Wednesday, September 27, 2017

Byaheng paglayang nais mo (Tagalog spoken poetry)

Mga bessie mejo break muna tayo sa pag eenglish ha eto muna tayo at maiba muna tayo share ko lang to

Paglayang nais mo


Kung nais mo akong bitiwban pakiusap gawin mong dahan dahan
H'wag mo kong iwanan ng biglaan
Dahil hindi ko alam kung paano ko haharapin ang kinabukasan,
Hindi ko alam kung paano maiiwasang h'wag masaktan.

Mahal pakiusap,
H'wag mo muna akong bitiwan
H'wag mo muna akong iwanan ng tuluyan
Gawin nating laro ang lahat, umpisahan mo sa tagutaguan
Ako ang gawin mong taya
Magtago ka sa lugar kung saan alam mong mahirap kang makita
Maski doon man lang maisip kong hindi mo nga ako iniwan sadyang mahirap ka lang matagpuan
Kaya sige mahal magtago ka na 
Unti untiin mo ako sa iyong paglisan
Unti untiin mo hanggang sa hindi na kita maramdaman.

Mahal sa larong tagutaguan maaari mo ba akong piringan?
Hindi dahil para mahirapan
Kundi para di ko makita ang iyong pang iiwan.

Mahal maaari mo bang alisin ang amoy na bumabalot sa iyong pagkatao
Hindi dahil sa ayoko na ng amoy mo
Pero nais ko lang masanay na walang amoy ng pabango mo ang nasa paligid ko.

Sa aking pagtalikod maaari bang h'wag kang mag ingay?
Hindi dahil sa nabibingi ako
Kundi dahil ayokong marinig ang kaluskos na naghuhudyat ng paglayo mo sa kinatatayuan ko
Mahal umpisahan na natin,
Simulan na natin ang tagu taguang ako ang taya
Magbibilang ako hanggang lima
Isa...
Dalawa...
Tatlo...
......
Apat...
....
Lima!
Mahal malaya ka na
Palalayain na kita.

Thanks to my highschool classmate Jessica Rosales :)
Nakakainspired at for sure maraming matatamaang mga kabessie natin dito